Dating sundalo naaresto sa drug buy bust operation sa Quezon City

INQUIRER File

Limampung libong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Quezon City Police District Station 6 – Station Drug Enforcement Unit (QCPD-SDEU) matapos ang kanilang isinagawang buy bust operation sa Barangay Old Balara.

Arestado sa naturang operasyon ang isang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Anthonitte Gerobiese, 42 taong gulang na residente ng naturang barangay.

Ayon kay QCPD Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng Batasan Police matapos nilang magsagawa ng surveillance laban kay Gerobiese.

Ani Eleazar, unang nakatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant tungkol sa pagtutulak ng iligal na droga ng suspek.

Nakumpiska mula kay Gerobiese ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa inaresto ng QCPD Station 5 si Federico Co matapos ang ikinasang entrapment operation kung saan nasabat nila ang isang sachet ng shabu.

Dalawang lalaki naman na kinilalang sina Erwin Tuazon at Jerry Darriguez ang naaresto ng QCPD Station 10 matapos ang isang buybust operation. Tatlong sachet namang ng shabu ang narekober mula sa kanila.

Ang tatlong mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nakakulong sa mga himpilan ng Quezon City Police.

Read more...