Nadine Lustre at James Reid nasa London para sa “Never Not Love You”

Lumipad papuntang London ang on-and-off screen partners na sina Nadine Lustre at James Reid para sa shooting ng kanilang pelikula na “Never Not Love You.”

Sa mga Instagram posts ng Viva Artists Agency ay ibinahagi nito ang larawan ng dalawa habang nasa airport ng Pilipinas at London.

Ito na ang kumpirmasyon na bagaman nagkaroon ng delays ang shooting at nagkaroon pa ng mga ugong-ugong na cancelled na ito ay tuloy na tuloy ang kanilang pelikula.

Sa naunang panayam sa magkasintahan ay nilinaw nila na ang inverted cervical curve sa leeg at scoliosis ni Nadine ang dahilan ng mga delays.

Sa pagdating nina Nadine at James sa London ay dinumog sila ng kanilang mga fans sa airport pa lamang.

Read more...