TNT KaTropa tinalo ang Meralco Bolts

Wagi ang koponan ng TNT KaTropa kontra sa koponan ng Meralco Bolts sa kanilang katatapos lamang na laban ngayong araw para sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Center.

99-81 ang final score ng laro.

Pinangunahan ni Troy Rosario ang KaTropa matapos nitong mabigay ng 22 puntos sa buong laban, 12 dito ang ibinigay niya sa unang quarter pa lamang ng laro.

Nakatulong rin sa pagkapanalo ng TNT sina Roger Pogoy, Jayson Castro, at RR Garcia na nakapagtala ng pinag-sama-samang 45 points.

Pinangunahan naman ni Niño Canaleta ng Bolts ang koponan ngunit hindi ito sapat para mapataob ang power-players ng KaTropa.

Read more...