Prusisyon ng Sto. Niño de Tondo, nilahukan ng libu-libo katao

Maagang tumulak ang prusisyon ng poong Sto. Niño de Tondo kung saan libu-libo ang nakisaya, Linggo ng umaga.

Inilabas sa simbahan ng Tondo ang imahen ng poon kasama ang imahen ng Birheng Maria at San Jose pasado alas 4:00 ng madaling araw.

Kasama din sa parada ang libu-libong replica ng Sto. Niño na nakasakay sa mga tricycle at pedicab.

Mahigpit naman na binantayan ng mga tauhan ng Manila Police ang karosa ang prusisyon.

May ilang deboto ang nagsabi na naniniwalang ang Sto. Niño ang nagpagaling sa kanilang mga sakit.

Napalibutan ng mga nagtitinda ang paligid ng simbahan kaya naman marami ring naiwang kalat.

Read more...