Otoridad, itinuturong nasa likod ng pagpatay sa isang aktibista sa Tagum City
By: Justinne Punsalang
- 7 years ago
Itinuturo ng isang human rights group ang mga otoridad na nasa likod ng pamamaslang sa isang aktibista sa Tagum City.
Ayon kay Karapatan Southern Mindanao Secretary General Jay Apiag, si James Flores ay isang aktibong miyembro ng Pederasyon sa tanang Asosasyon sa mga Mag-uuma ug Lumad sa Agusan ug Davao (PAMULAD).
Aniya, matagal nang tinatarget ng mga militar at pulis ang mga aktibista para sila ay manahimik.
Sabado ng bandang alas-6 ng gabi nang pagbabarilin hanggang sa mapatay si Flores sa tapat ng isang mall sa Tagum City.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang salarin.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang mga otoridad tungkol sa alegasyon ng Karapat. Ngunit sa mga naunang katulad na insidente ay itinanggi ng mga otoridad ang kanilang pagkakasangkot sa mga ito.