Pasig River Ferry, muling bubuhayin

Para maibsan ang lumalang trapiko sa Metro Manila ay palalawigin ng Pasig River Ferry ang kanilang operasyon sa lalawigan ng Cavite para guminhawa ang paglalakbay ng mga commuter.

Iyan ay makaraang pumasok sa kasunduan ang Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC at Intramuros Administration sa pribadong operator ng Cavite-Pasig River Ferry System.

Kamakailan ay lumagda na sa isang kontrata ang PRRC sa Cavite Super Ferry Transport Incorporated (SFTI) para sa pagtatayo, maintenance at operation ng ferry terminal sa Pasig River Banks sa Intramuros.

Nangako naman ang Intramuros Administration na susuportahan ang operasyon ng naturang proyekto.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, makabuluhan ang pagtatatag ng maasahan, mura at episyenteng Pasig River Ferry System hindi lamang sa mga mananakay kundi maging sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at ito ay makapag-aambag para sa mas maginhawang pamumuhay sa Metro Manila.

Biyernes nang lagdaan ng PRRC, IA at SFTI ang Memorandum of Agreement (MoA) sa Plaza Mexico, sa Intramuros.

Nakasaad sa ilalim ng kasunduan na ang PRRC ay magkakaloob ng karampatang ayuda sa SFTI sa pagkuha ng mga kaukulang otorisasyon, approvals, licenses, and permits mula sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa maaga at mabilis na pagsasakatuparan ng proyekto.

Nakapaloob din sa kasunduan ang pagtulong ng PRRC para makakuha ang SFTI ng insentibo at mga pribeliheyo na maaring ipagkakaloob ng batas katulad ng Philippine Omnibus Investments Code.

Sa kanilang panig, ang SFTI ay siya namang magpopomndo para sa konstruksiyon ng Ferry Terminal na naayon sa Feery Station Design requirements ng Intramuros Administration.

Sila rin ang nakatoka para sa maintenance, insurance, overhead, miscellaneous, permits and taxes.

Read more...