1 sugatan matapos magkarambola ang 3 sasakyan sa Pasay City

Sugatan ang isang lalaki sa karambola ng tatlong sasakyan sa Pasay City, umaga ng Linggo.

Ayon sa ulat, nagkarambola ang isang van, isang Nissan Urvan at isang Mitsubishi Delica sa southbound lane ng Roxas Boulevard.

Sugatan ang driver ng Nissan Urvan van na nakilalang si Jose Beltran.

Dahil umano sa bilis ng takbo ng Urvan, tumama ito sa Mitsubishi.

Sa lakas ng impact ay umiikot ang Mistubishi bago tumagilid habang bumangga naman ang Urvan sa center island.

Isinugod sa Pasay General Hospital ang sugatang driver matapos magtamo ng sugat sa mukha.

Read more...