North Korea, magpapadala ng 22 atleta sa 2018 Winter Olympics

Magpapadala ang North Korea ng dalawampu’t dalawang atleta para sa 2018 Winter Olympics na gaganapin sa Pyeongchang sa susunod na buwan.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng kasunduan ng North Korea at South Korea na bumuo ng isang team na maglalaro para sa Olympics.

Nauna nang nagkasundo ang dalawang bansa na magkaroon ng delegasyon na sabay magmamartsa sa opening ceremony ng Olympics at bumuo ng isang joint team para sa women’s hockery tournament.

Ayon sa North Korea, ang ipapadala nilang mga atleta ay lalaban sa tatlong sports at limang disciplines.

Kabilang na dito ang figure skating, short-track speed skating, cross-country skiing at Alpine skiing, at maging ang hockey.

Umaasa naman ang South Korea na sa pamamagitan ng tournament ay maiibsan ang krisis sa Korean peninsula at mababawasan ang pagkakaroon ng lamat ng dalawang bansa.

Read more...