Phase 2 ng Boracay drainage project, sisimulan na ngayong buwan

Aprubado na ng board of directors ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang ikalawang bahagi ng Boracay Drainage Improvement Project.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ngayong Enero magsisimula ang proyekto at inaasahang matatapos sa 2020.

Kasama sa proyekto ang pagbuo ng pipeline na maglilihis ng treated drainage water sa wetland ng Sitio Lugutan.

Ani Roque, sa ngayon kasi ay may mga establisyimento na nakakonekta ang kanilang mga pipeline direkta sa Bulabog beach.

Samanatala, sa hiwalay na briefing na isinagawa sa Kalibo, Aklan, sinabi ni Roque na nagkakahalaga ang naturang proyekto ng P1 bilyon.

Ayon pa kay Roque, nakatuon ang pamahalaan sa pagsasaayos ng water quality services sa lugar, at kasabay nito ay ang pagsasaayos rin ng problema sa pagbaha sa Boracay.

Read more...