Inatake at pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang Intercontinental Hotel sa Kabul, Afghanistan, kahapon, araw ng Sabado.
Ayon sa hotel manager na si Ahmad Haris Nayab, nakapasok ng establisyimento ang apat na mga kalalakihan at agad na pinaputukan ang loob nito.
Ani Nayab, maswerteng nakalabas lahat ng mga empleyado at guests ng hotel at wala naman silang naitalang nasugatan dahil sa insidente.
Ayon naman kay Afghan interior ministry spokesperson Najib Danish, hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa pag-atake. Ngunit aniya, ilan sa mga kalalakihan ay pawang mga suicide bombers.
Sa ngayon ay wala pang grupo na umaako ng pag-atake.
Taong 2011 nang unang inatake ng Taliban ang Intercontinental Hotel.
MOST READ
LATEST STORIES