Sa isang forum sa Quezon City ay sinabi ni Pimentel na labag sa Saligang Batas ang planong hindi pagbibigay ni Alvarez ng pondo sa mga mambabatas na hindi susuporta sa federalismo.
Hindi anya ganito ang nakasaad sa konstitusyon.
Tila nagbabala rin ang dating Senate President kay Alvarez na may hangganan ang kapangyarihan.
Ayon kay Pimentel dapat ay tapatan ng mga mambabatas ang mga pagbabanta ni Alvarez tungkol sa bahagi ng budget na karapatan naman nila bilang mga opisyal.
Sa mga isinasagawang caucus anya ay dapat sabihin ng mga mambabatas ang kanilang mga saloobin upang maiparating sa House Speaker na walang sinumang nananatili sa kapangyarihan kailanman.
Nauna nang ipinahayag ng pinuno ng Kamara na hindi bibigyan ng budget ang mga probinsya ng mga mambabatas na hindi susuporta sa charter change.