Maria Sharapova inspirasyon si Serena Williams

Inspirasyon ng five-time Grand Slam tennis champion na si Maria Sharapova sina Serena Williams, Roger Federer, at Rafael Nadal.

Ito ang naging pahayag ni Sharapova matapos siyang matalo ng 2016 tennis champion na si Angelique Kerber.

Aniya, sa kanyang pagtuntong ng 31 taong gulang ay naging inspirasyon niya ang iba pang mga tennis players na maganda pa rin ang performance bagaman lagpas 30 taong gulang na ang mga ito.

Aniya, mas motivated siya ngayon na pagbutihin ang kanyang paglalaro.

Dagdag pa ni Sharapova, alam niyang marami pa siyang kailangang pagbutihin sa kanyang sarili at hindi siya nawawalan ng kumpyansa, bagaman halata ang kanyang pagkabigo mula sa kanyang pagkatalo.

Read more...