Sa Matina Enclaves nagkita ang pangulo at ang sumukong tagapagsalita ng NDF-FSMR na si Noel Legazpi at asawa nitong si Wendy Bendalian.
Kapwa sumuko ang dalawa sa mga militar sa Koronadal City noong January 15.
Bagaman sarado sa media ang pagkikita ay sinabi naman ng ilang mga sources na masaya si Pangulong Duterte sa pagsuko ng mag-asawa.
Ayon sa mga sources, pinuri ng pangulo sina Legazpi at Bendalian sa pagbabalik-loob sa pamahalaan dahil aniya, wala nang saysay kung ipagpapatuloy pa ng mga komunista ang kanilang paglaban sa gobyerno.
Ayon naman kay Lieutenant Colonel Benjamin Leander, commander ng 27th Infantry Battalion, sumuko ang mag-asawa dahil pagod na aniya si Legazpi sa pagtatago mula sa pwersa ng pamahalaan. Ayon umano dito, gusto na niyang magkaroong ng matiwasay na buhay.
Katulong ng militar si South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes sa pagkumbinsi kay Legazpi na sumuko na sa pamahalaan.