MMDA naglabas ng traffic scheme para sa kunstrusyon ng MRT 7

Naglabas ng traffic rerouting scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga motoristang maapektuhan ng kunstruksyon ng MRT 7 sa kahabaan ng North Avenue.

Simula alas-6 ng gabi kahapon, araw ng Sabado ay isinara na ang dalawang lanes ng North Avenue sa pagitan ng Veterans Memorial Medical Center at Agham Road.

Alas-11 naman kagabi nang simulan ang pagbuo sa North Avenue segment ng MRT 7.

Para sa mga motorista na pupunta ng Commonwealth Avenue mula EDSA-North Avenue, kumaliwa sa Mindanao Avenue, kanan sa Road 3, kaliwa sa Road 1, kanan sa Visayas Avenue, kanan sa Quezon Memorial Circle, at kanan muli sa Commonwealth Avenue papunta sa destinasyon.

Sa mga manggagaling naman ng Mindanao Avenue, bagtasin ang Congressional Avenue, kanan sa Luzon Avenue papuntang Commonwealth Avenue.

Samantala, para sa mga motoristang magmumula sa Quezon Avenue, dumaan sa Elliptical Road, at kumanan sa Commonweath Avenue papunta sa destinasyon.

Para naman sa mga manggagaling ng EDSA o V. Luna, dumaan sa East Avenue patungong Quezon Memorial Circle, at kanan sa Commonwealth Avenue.

Ang naturang kunstruksyon ay ang una sa anim na bahagi ng pagbuo sa MRT 7. Kasunod nito ang paggawa sa segments sa Mindanao Avenue at EDSA.

Read more...