Ito ay sina Maasin Mayor Mariano Malones, Calinog Mayor Alex Centena, at Carles Mayor Siegfredo Betita na pare-parehong mga alkalde ng Iloilo.
Ayon kay Iloilo Governeor Athur Defensor Sr., tinanggal na ang tatlong mga alkalde mula sa listahan ng mga pulitiko na sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Ito ay kinumpirma rin ni PDP-Laban secretary speaker at House Speaker Pantaleon Alvarez bago naganap ang oath-taking ng mga alkalde sa Potatan Astrodome.
Samantala, pito pang mga lokal na opisyal sa Iloilo ang kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga narco politicians. Ngunit itinanggi naman ng mga ito ang mga alegasyon.