Ito ang naging pahayag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum kasunod ng pagpapauwi sa mga evacuees sa kani-kanilang mga tahanan.
Ani Solidum, hindi pa dapat magpaka-kumpyansa ang mga opisyal sa Albay dahil aniya, abnormal pa rin ang aktibidad ng bulkan.
Dagdag pa ni Solidum, kailangan pa munang obserbahan ang Mayon sa loob ng dalawa pang linggo para masigurado kung maaari na bang ibaba ang alert status nito.
Samantala, nagpaalala naman sa mga turista si Albay Provincial Security and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Cedric Daep na bawal pumasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone. Ito ay matapos mamataan ang ilang mga turista sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES