Mga mangagagawa sa Ilocos, makatatanggap ng umento sa sahod

Makatatanggap ng P13 hanggang P30 na umento sa sahod ang mga manggagawa sa rehiyon ng Ilocos.

Ito ay upang makasabay ang sahod ng mga manggagawa sa napipintong pagtaas ng antas ng pamumuhay sa buong rehiyon.

Nailabas na ang desisyon sa umento sa sahod matapos ang public consultations na isinagawa noong October 23, 26 at 27 noong nakaraang taon.

Inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang Wage Order 19 na nagbibigay ng P30 na umento sa sahod ng mga manggagawa mula sa mga malalaking non-agriculture at commercial fishing establishments.

Makatatanggap naman ng P20 na pagtaas sa sahod ang mula sa medium non-agriculture establishments at P13 sa malilit na negosyo.

Ayon kay Department of Labor and Employment Region 1 Director Nathaniel Lacambra, lahat ng minimum wage earners sa pribadong sektor kahit ano pa ang posisyon at employment status ay makatatanggap ng umento.

Hindi naman sakop ng wage increase ang mga domestic workers na nagtatrabaho para sa personal na serbisyo ng mga indibidwal tulad ng family drivers.

Read more...