Oplan Tokhang posibleng magsimula sa susunod na linggo

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na posibleng magbalik sa operasyon ang Oplan Tokhang sa susunod na linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na isinasapinal na ng oversight committee ang mga guidelines para sa naturang operasyon.

Aniya, magiging transparent sila sa kanilang isasagawang mga operasyon at wala nang magaganap na human rights violation.

Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na bahagi sa bagong mga guidelines ng Oplan Tokhang ang pagpapasuot sa mga pulis ng body camera kapag magsasagawa ng operasyon.

Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita ng PNP na si Chief Superintendent Dionardo Carlos na maaaring sumama ang mga kawani ng media at mga human rights groups sa mga anti-illegal drugs operation ng mga pulis para mabantayan at nasiguro ang transparency ng mga ito.

Read more...