Pulis at barangay kagawad kritikal matapos pagbabarilin sa Maynila

Kritikal ngayon ang kundisyon ng isang pulis at isang barangay kagawad matapos mabiktima ng pamamaril sa Sta. Cruz, Maynila.

Kwento ng mga residente at saksi sa insidente, nasa labas lamang ng kanilang mga bahay ang mga bikima nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Anila, mayroong ilang mga motorsiklo na huminto at pumarada sa kalapit na kanto bago naganap ang pamamarill. Hinala ng mga ito, kasamahan ng suspek ang mga sakay ng motorsiklo.

Agad na isinugod sa Jose Reyes Memorial Hospital at University of Santo Tomas ang mga biktima.

Blangko pa sa ngayon ang mga otoridad tungkol sa motibo ng pamamaril.

Read more...