Isang bahay tinupok ng apoy sa Baseco Compound

Hindi na kumalat pa ang apoy na nagmula sa isang nasusunog na bahay sa Baseco Compound.

Nasa 10 mga fire trucks ang agad na rumespunde sa sunog na itinaas lamang sa unang alarma.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng malakas na putok malapit sa isang bahay at matapos nito ay agad na sumiklab ang apoy.

Mabilis na nagsilikas ang mga residente sa paligid ng bahay at dala nila ang ilang mga gamit na kanilang naisalba.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) para malaman kung saan nagmula ang sunog.

Inaalam rin ng mga otoridad ang kabuuang danyos sa sunog na maswerteng walang naitalang nasugatan.

Read more...