2 suspek ng akyat bahay arestado sa Cubao, Quezon City

Timbog sa ikinasang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang dalawang lalaking suspek ng akyat bahay sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Nomer Yapit at Marlon Cabunag, na kapwa 18 taong gulang at residente ng Barangay Silangan.

Nilooban ng mga suspek ang bahay ng isang 92 taong gulang na ginang sa Barangay E. Rodriguez.

Sa kanilang pagnanakaw ay nasapul pa sila sa CCTV camera. Nang maaresto ay hindi na itinanggi pa ng dalawa ang krimen.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng QCPD Station 7 sina Yapit at Cabunag.

Read more...