Ito ay matapos sumiklab ang isang forest fire sa lugar Sabado ng gabi.
Ayon kay Ivy Carasi ng Office of Civil Defense (OCD) – Cordillera, nakatanggap sila ng report tungkol sa sunog bandang alas-6:30 ng gabi ngunit hindi pa batid kung anong oras nagsimula ang sunog.
Sinasabing sumiklab ang apoy matapos sumabog ang butane stove ng isang camper.
Agad namang naapula ang sunog at walang naitalang nasugatan o stranded sa bundok.
Gayumpaman, bilang preventive measure at bahagi na na rin ng imbestigasyon tungkol sa insidente ay hindi muna maaaring umakyat sa Mount Pulag.
Para sa mga nakapag-set na ng pag-akyat ay maaari lamang silang pumunta sa Four Lakes.
MOST READ
LATEST STORIES