Presyo ng gasolina at diesel muling tataas sa Martes

Inquirer file photo

Nakaumang na sa susunod na linggo ang panibagong oil price hike.

Sa ulat ng Department of Energy, aabot sa P0.50 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel at kerosene samantalang nasa pagitan naman ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro sa presyo ng gasolina.

Epektibo ang nasabing dagdag-presyo sa araw ng Martes, January 23.

Sinabi ng DOE na epekto pa rin ng pagtaas ng presyo ng oil products sa world market ang dahilan ng panibagong oil price hike sa susunod na linggo.

Ito na ang ikaapat na sunod na oil price hike kung saan umabot na sa P1.75 kada litro ang naidagdag sa presyo ng diesel samantalang P1.00 naman sa gasolina.

Hiwalay pa ito sa ipinatutupad na dagdag singil ng mga oil companies dahil sa ipinataw na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ipinaliwanag ng DOE na dahil sa dagdag na buwis sa petrolyo ay tumaas ang halaga ng bawat litro ng diesel sa P2.80, sa kerosene at P3.36 kada litro samantalang P2.97 naman sa bawat litro ng gasolina.

Read more...