Pagkakaisa ng NoKor at SoKor sa Olympics, welcome sa IOC

Ikinalugod ng International Olympic Committee (IOC) ang naging kasunduan ng North at South Korea na magkaisa para sa magaganap na Olympic Winter Games sa Pyeongchang.

Matatandaang napagdesisyunan ng dalawang bansa na magmartsa sa ilalim ng ‘united flag’ at bumuo ng isang joint team na isasali sa women’s hockery tournament.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang dalawang pambansang komite para sa Olympics ay maglalaro para sa iisang team.

Gayunman, ayon sa IOC, ang naturang kasunduan sa pagitan ng North at South korea ay nangangailangan pa ng kanilang pagsang-ayon.
Ang desisyon tungkol sa plano ng dalawang delegasyon ay ilalabas ng IOC ngayong Sabado.

Samantala, nangako naman si IOC Presidential Spokesman Mark Adams na marami pang inisyatibo ang isasagawa upang maitaguyod ang pagkakaisa ng dalawang bansa.

Iginiit ni Adams na magiging patas pa rin ang komite sa mga measures ng palaro na ipatutupad.

Ito ay matapos ang ilang pagkwestyon na ang pagsasama ng dalawang Koreanong bansa ay magdudulot ng mas mataas na tyansa ng pagkapanalo nila laban sa ibang national team.
Excerpt:

Read more...