Malawakang clean-up operations isinasagawa upang maibalik ang operasyon ng tren sa Germany

Nagsasagawa ng malawakang clean-up operations ang Germany upang maibalik na nang maayos ang operasyon ng tren sa bansa.

Ito ay matapos magbagsakan ang mga puno at humarang ang mga debris sa mga riles ng tren bunsod ng pagbayo ng Strom Friederike.

Ayon sa national rail operator ng Germany na Deutsche Bahn (DB), 200 seksyon ng railway ang napinsala ng bagyo at tumutulong na ang mga helicopters na mapabilis ang pagkumpuni sa mga ito.

Inaasahang maibabalik ang normal na serbisyo ng mga tren ngayong weekend.

Daan-daang libong manlalakbay ang nastranded bunsod ng sama ng panahon.

Ang naturang bagyo ang pinakamalakas na tumama sa Germany sa loob ng 11 taon.

Bago pa man manalasa sa Germany ay tatlong katao na ang namatay sa The Netherlands bunsod ng hanging dala ng bagyo na sinlakas ng nasa hurricane-status.

Samantala, apat naman ang patay sa Germany kabilang ang dalawang bumbero at dalawang driver na hinangin ang mga sasakyan.

Read more...