“Common tower” policy sa mga telco companies, isinusulong

Ipatutupad ng gobyerno ang “common tower” policy sa telecommunications companies.

Ito ay ayon kay Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology Communications Ramon Jacinto.

Sa ilalim ng “common tower” policy, hindi na papayagan ang mga kompanya na magtayo ng communication towers o cell sites. Sa halip, magrerenta na lamang sila sa tower company.

Ayon kay Jacinto, posibleng ikagulat mga kompamya ito, pero layunin ng polisiya na mabawasan ang gastusin ng telcos.

Paliwanag ng opisyal, hindi na mamomroblema ang mga kompanya sa capital expense at pagtatayo at pangangalaga sa tower.

Sa ganitong paraan din aniya ay mas mapagtutuunan na ng pansin ng mga kumpannya ang kanilang operasyon.

Nilinaw ni Jacinto na maaari pa ring panatilihin ng mga telco na PLDT at Globe ang kanilang cell sites, pero hindi na papayagan ang pagtatayo ng towers ng mga telco.

Ilalabas ng gobyerno ang guidelines para sa common tower sa susunod na linggo.

Inaasahang maipatutupad ito sa unang bahagi ng 2019.

Read more...