Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) police, ang rifle grenade projectile ay nakita ng isa sa mga bata sa bukirin sa Barangay Kanaway Huwebes ng hapon.
Dinala umano niya ito sa isang barung-barong at doon pinaglaruan kasama ang iba pang mga bata.
Sinabi ni Mijares na maaring pinaputok ang nasabing rifle grenade mula sa kung saan pero hindi ito sumabog nang bumagsak sa lupa.
Inaalam pa kung paano naganap ang pagsabog pero maaring pinaglaruan umano ito ng mga bata.
Matapos ang pagsabog isinugod lahat ang mga bata na edad 3 hanggang 10 na pawang dinala sa malapit na pagamutan.
Pero ayon kay Sulu Provincial Director Sr. Supt. Mario Buyucan, dalawa sa mga ito ang nasawi.