Patay ang isang sanggol at sugatan ang hindi bababa sa 15 katao matapos silang araruhin ng isang kotse sa Copacabana Beach sa Brazil.
Kinumpirma ng mga opisyal mula sa fire department na isang sanggol na ang edad ay nasa walong buwan ang nasawi sa insidente.
Bigla na lamang umanong sinagasaan ng kulay itim na Hyundai i30 ang mga turista sa lugar.
Hawak na ng mga otoridad ang driver ng kotse na si Antonio de Almeida Anakim, 41 anyos.
Isinantabi naman na sa ngayon ng mga otoridad ang anggulong terorismo sa naturang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES