LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw, Enero 19, 2018

Kanselado ang ilang flights ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Kinansela ang flights ng Cebu Pacific na 5J 321 / 322 Manila – Legazpi – Manila, gayundin ang flights 5J 106 / 107 Manila – Tuguegarao – Manila.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) ito ay dahil sa nararanasang hindi magandang panahon.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng flight.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...