Lima ang patay sa nadiskaril na tren sa Mexico City

Patay ang limang katao makaraang madiskaril ang isang tren habang bumibihayahe sa Mexico City.

Ayon sa mga otoridad, bumangga ang tren sa bahagi ng Ecatepec.

Humiwalay ang tren sa riles at binangga ng bagon nito ang isang residential area dahilan para masawi ang nasa limang katao.

Ayon sa Communications and Transportation Ministry ng Mexico, iimbestigahan nila kung ano ang naging sanhi ng aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...