Hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa Taguig City

Natagpuan ang isang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa Ruhale St., Brgy. Calzada Tipas Taguig City.

Nakabalot ang ulo ng biktima ng t-shirt, may duct tape sa leeg at nakatali ang mga kamay nito.

Ayon sa ulat ng Taguig Police, may nag-report na isang concerned citizen sa barangay na nakakita sa naturang biktima.

Sa pagtataya ng mga otoridad ay nasa 20 hanggang 25 taong gulang ito na may taas na nasa 5’2 hanggang 5’3.

Nakasuot ng ang biktima ng dark blue t-shirt at pulang shorts.

Nakarebor ng mga basyo ng bala ng 9mm malapit sa bangkay.

Sa pagproseso ng SOCO ay may tama ng bala sa mukha ang biktima.

Walang nakuhang pagkakakilanlan ang mga otoridad sa biktima.

Dahil dito, hirap ang mga otoridad na malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa biktima dahil sa walang gaanong residente sa lugar at madilim dito.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...