Mula sa mahigit 38,000, nabawasan na ang bilang ng mga indibidwal na nasa evacution centers.
Sa huling taya ng Albay PNP sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nasa halos 27,000 na lamang na indibidwal o katumbas ng halos 7,000 pamilya ang nananatili sa mga pansamantalang tirahan.
Sa Legazpi City, inirekomenda na ang pagbabalik ng mga evacuees sa kanilang mga tirahan dahilan para lumuwag ang mga evacution centers sa mga barangay ng Padang, Buyuan, Matanog, Bogna at Mabinit.
Ayok kay Legazpi Mayor Noel Rosal, cleared na kasi ng PHIVOLCS ang mga area na nasa North at East kung kaya’t maari na silang lumapit.
Sa nasabing bahagi kasi ay six kilometers lang ang rekomendasyon ng paglikas habang sa southern part ng seven kilometers danger zone ang rekomendasyon.
Samantala, sinabi ni Rosal na sinabi na sa kabila nito ay nakahanda pa rin ang kanilang lokal na pamahalaan at patuloy na nagmo-monitor sa aktibidad ng bulkan sakaling magbuga na naman ng mas maraming lava ang bulkan.