Heavy rainfall warning, itinaas sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa pag-ulan na dulot ng easterlies

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, na nararanasan bunsod ng umiiral na easterlies, itinaas ng PAGASA ang heaby rainfall warning sa ilang lalawigan sa Visayas.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, yellow rainfall warning ang umiiral sa lalawigan ng Leyte, Bohol at Southern Leyte at sa Cebu partikular sa Metro Cebu, Northern Cebu at Camotes Island.

Ayon sa PAGASA posibleng makaranas ng pagbaha at landslides sa nasabing mga lugar.

Easterlies ang nakaaapekto sa silangang bahagi ng bansa ngayong araw.

Maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol, Eastern at Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, localized thunderstorm lamang ang iiral na maari pa ring magdulot ng isolated na pag-ulan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...