Pang. Duterte, muling nagpaalala na bawal ang mga kawani ng gobyerno sa Casino

Kuha ni Philip Tubeza | Inquirer

Muling nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani ng pamahalaan na bawal silang pumasok sa casino.

Iginiit ng pangulo ang Presidential Decree (P.D.) 1067-B na inamyendahan ng P.D. 1869 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, mga sundalo at 21 gulang pababa na maglaro sa mga casino.

“May P.D. niyan eh. There’s a law. At that time, it was a law. It’s still the law. It was never modified or repealed,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, ang naturang Presidential Decree ay batas at nananatiling batas at hindi kailanman pinawalang-bisa.

Dahil dito, inutusan ni Duterte si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na pigilan ang pagpasok ng mga kawani sa casino at pairalin ang batas.

“Bato, halika. Maglagay ka sa casino prohibiting all workers of government from entering.”, utos ni Duterte sa PNP Chief.

Matatandaang noong September 2016 ay inilabas ng palasyo ang Memorandum Circular 6 na nag-uustos sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno kabilang ang pulisya at militar na sundin ang batas na nagbabawal sa pagpasok, pamamalagi at paglalaro sa mga casino.

Kasunod ito ng mga ulat na natanggap ng Malacañang na mayroong mga opisyal ang naglalaro sa casino kahit ito ay bawal.

Read more...