Nanindigan sina Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Speaker Pantaleon Alvarez na walang anumang nagaganap na “railroading” sa pag-adopt ng Kamara sa naturang resolusyon.
Mayroon kasing mga progresibong mambabatas na iginigiit na basta-basta at minadali ang pagkaka-adopt nito sa mababang kapulungan.
Ayon kay Fariñas, isa itong produkto ng “democratic and exhaustive debates” hindi lamang sa plenaryo ng Kamara o sa mga pagpupulong na isinagawa ng Committee on Constitutional Amendments, kundi sa maging sa mga isinagawang “nationwide public consultations.”
Ipinunto pa ni Fariñas na Juner 30, 2016 pa lamang ay mayroon nang iba’t ibang mga panukalang inihain para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Ganito rin ang ipinahayag ni Alvarez nang sinabi niyang mahigit isang taon na silang nagsasagawa ng public hearings sa iba’t ibang mga probinsya.
Ani pa Alvarez, madaragdagan pa ang mga public hearings dahil kinakailangan talagang marinig ang pananaw ng lahat upang makagawa ng mas magandang Konstitusyon.