“Black Friday Protest”, ikinasa ng mga grupo bilang suporta sa Rappler at press freedom

“Today Rappler. Who will be next?”

Ito ang matapang na tanong ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa kanilang Facebook post.

Sa naturang post ay inanunsyo ng NUJP na sila ay magsasagawa ng “Black Friday Protest” ngayong January 19, Biyernes, sa Timog Ave., Quezon City.

Kasama ang ‘Altermidya’, ‘College Editors Guild of the Philippines’ at ‘Let’s organize for Democracy and Integrity’ ay ipoprotesta ng NUJP ang nakaambang pagpapasara sa Rappler at di umano’y pagpigil sa kalayaang mamahayag.

Iginiit ng grupo na ang ang nakatakda ring pag-amyenda sa Konstitusyon ay magpapalawig lamang sa kapangyarihan ng mga nasa posisyon

Maggiging balakid anila ito sa karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.

Ayon sa grupo, hindi nila hahayaang mangyari ang mga planong ito ng gobyerno.

Read more...