Ito ay kasunod ng panawagan ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ikansela na ang naturang ‘deal’.
Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, mayroong tamang prosesong nakapaloob sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act ukol sa pagkansela ng procurement project ng gobyerno.
Ngunit sa ngayon anya ay wala pang nakikitang kondisyon sa ilalim ng naturang batas ang nagsasabing dapat ihinto na ang proyekto.
Iginiit ni Andolong na ang mga akusasyon ni Alejano tulad ng umano’y pakikialam ng Malacañang sa frigate deal ay pawang mga alegasyon lamang at hindi ligal na batayan upang ipatigil na ang proyekto.
Noong 2016 ay lumagda ang gobyerno ng kasunduan kasama ang Hyundai Heavy Industries ng South Korea upang bumuo ng 2 frigates para sa Philippine Navy.
Ito ang naging dahilan upang masibak sa pwesto si dating Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado dahil sa umano’y pagpabor nito sa isang european contractor para maging supplier ng combat management system para sa dalawang bagong barko mula sa SoKor.