Overseas Filipino Bank, nailunsad na

Mula sa Twitter account ng Department of Finance

Inilunsad na ang Overseas Filipino Bank (OFBank) na isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa overseas Filipino workers (OFWs).

Mismong si Pangulong Duterte din ang nag-pasinaya sa paglulunsad ng OFBank kung saan sinabi niya na layunin nitong ibalik sa OFWs ang mga naiambag nito sa pamamagitan ng bangko na magseserbisyo para sa kanilang banking at financing requirements.

Ipinahayag ng OFBank na palalakasin nito ang presensya ng gobyerno sa remittance market at kalaunan ay maimpluwensyahan ang mas murang bank remttance.

Maliban sa OFWs, seserbisyuhan din ng bangko ang Filipino immigrants at ang mga Pilipinong may resident visa.

Ilan sa mga serbisyong iaalok nito ay deposits, loans at investments, remittance at payment services.

Kuha ni Philip Tubeza | Inquirer

Target ng OFBank na magbukas ng opisina sa Abu Dhabi, Dubai at Bahrain sa ikalawang quarter ngayong taon.

Read more...