Sa paglunsad ng OFW Bank, ipinahayag ni Duterte na si Department of Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang pinakakwalipikadong maging pangulo.
““Mr. President, can you stand up? Show them your new haircut.”
“Ito, hindi pa na-presidente, tingnan mo ‘yung ulo sa likod. May hostia na. Kung hindi pari, may mga butas ‘yang g***** ‘yan dito. O, tingnan mo ang kanya, ready-made na.”
Iginiit din ni Duterte na makikita naman sa performance ng kalihim ang pagiging karapat-dapat nito na sumunod sa kaniyang yapak.
Aniya, sa panananalita ni Cayetano at sa kaniyang paraan sa pagtugon sa problema ay nakikita na ang pagiging kwalipikado ng kalihim na maging pangulo.
Dagdag ni Duterte, matalino rin si Cayetano at walang mali kung siya ang pipiliin.
Matatandaang si Cayetano ay tumakbo sa pagka-bise presidente at running mate ni Duterte noong halalan noong 2016.
Gayunman, nagtapos si Cayetano sa ikatlong pwesto sa vice presidential race.