Malakanyang desidido pa ring isulong ang BBL

Inquirer file photo

Kahit atrasado na ay tiniyak ng Malakanyang na kanila pa ring itutulak ang pagpasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law na magbibigay ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, committed si Pangulong Aquino na ipasa ang panukala.

Kamakailan ay sinabi ng executive branch na kumikilos na sila para sa amiyenda ng BBL na tutugon sa concerns ng kongreso at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Natutuwa din umano ang palasyo sa inihayag ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal na walang dadanak na dugo kahit hindi maisabatas ang BBL.

 

Read more...