Lalaki inaresto dahil sa pagpapakalat ng bold pictures ng dating kasintahan

Arestado ng National Bureau of Investigation sa Timog Avenue, Quezon City ang isang Filipino-Pakistan dahil sa reklamo nang paglabag sa anti-cyber crime law.

Kinilala ang suspek na si Abdul Razaq Bukhari na inaresto ng NBI sa isang entrapment operation.

Una rito dumulog sa NBI ang dating girlfriend ng suspek dahil ipinakalat nito sa ilang kaibigan at bagong boyfriend ng biktima ang kanyang mga larawan na nagpapakita ng mga pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Nakipaghiwalay ang nobya sa dating kasintahan matapos na malaman na may asawa na pala ito.

Nagbanta rin ang suspek na kung hindi sasama sa kanya ang biktima upang makipagniig ay ia-upload na niya sa internet ang mga larawan ng biktima, kaya nagpasaklo na sa NBI ang complainant.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap  ng suspek ay paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 o Republic 9262, grave threat o Article 282 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa RA 10175  o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Read more...