Pinakamataas na net satisfaction ratings nakuha ni Duterte sa SWS survey

Umakyat sa pinakamataas na rating ang net satisfaction ng admnistrasyong Duterte sa huling quarter ng 2017, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Umabot na sa “excellent” na +70 ang net satisfaction ratings ng pangulo na pinakamataas sa rating scale ng SWS.

Ito ang pinakamataas na rating sa national government simula noong 1989.

Nalagpasan nito ang record na +66 administrasyong Aquino noong June 2013 at ng administrasyong Duterte na naunang naitala noong September 2016 at March 2017.

Ang +70 satisfaction rating ay mas mataas din nang 12 puntos sa +58 satisfaction rating noong September 2017.

Sa kaparehong survey ng SWS, minarkahan ng respondents na “very good” ang Administrasyong Duterte sa paglaban sa terorismo, pagtulong sa mahihirap, pagtatayo at pangangalaga sa public works, foreign relations at pagbibigay ng trabaho.

Nakatanggap naman ng “good” rating ang gobyerno sa pagtugon sa iba pang usapin gaya ng pakikipag-ayos sa mga rebeldeng Muslim, pagsasabi ng totoo sa publiko, pagdepensa sa territorial rights ng bansa at pagprotekta sa karapatang pantao.

Mayroon namang “moderate” rating ang pagtugon ng gobyerno sa inflation at problemasa trapiko.

Isinagawa ng SWS ang naturang survey mula December 8 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read more...