Bagong pinuno ng Philippine Navy opisyal nang itinalaga ng Malacañang

Inquirer file photo

Inilabas na ng Malacañang ang endorsement paper ni Rear Admiral Robert Empedrad bilang bagong Commander at Flag Officer in Command ng Philippine Navy.

May petsang January 16 ang endorsement ng pangulo para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Epektibo ang pagiging Navy Chief ni Empedrad noon  pang December 19 ng nakalipas na taon, subalit nitong Martes lamang inilabas ang papel para ito pormal na abiso ng Department of National Defense.

Si Empedrad ang naging Officer-in-Charge o OIC nang sibakin sa pwesto ni Sec. Lorenzana ang dating Commander Philippine Navy na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado dahil sa nabalam na computer at weapons systems project ng Philippine Navy.

Read more...