Suplay ng tubig problema sa ilang evacuation centers sa Albay
Nananatiling problema ang kakulangan ng suplay ng tubig sa ilang evacuation centers sa Albay.
Daing ng mga evacuees, wala kasi silang malinis na mainom, tubig para pansaing, panligo at para pambuhos na rin sa palikuran.
Sa Camalig North Central School na isa may pinakaraming bilang ng mga evacuues sa mahigit 3,000, napipilitang bumalik ang ilan sa kanilang mga bahay sa paanan ng bulkan para kumuha ng tubig.
Hindi pa naman daw kasi puputok ang bulkan kung kaya’t nakikipagsapalaran sila na magpabalik-balik.
Sa kabuuan, 43 classrooms na ang okupado ng mga evacuees sa paaralan kasama na ang limang stock rooms nito.
Kapareho rin ang sitwasyon sa Guinobatan East Central School na may 1,700 na evacuees.
Naapektuhan na raw kasi ang kanilang kalusugan dahil wala silang access sa tubig kung kailan nila gustuhin.
Nitong January 16, nakapagtala na ang Municipal Health Office ng isang kaso ng diarrhea sa paaralan.
Ang Guinobatan ay mayroong 46 classrooms kung saan 33 dito ay ginagamit na evacuation centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.