“Unified Korea.”
Ito ang ipapakita ng North at South Korea sa buong mundo matapos mapagdesisyunan ng dalawang bansa na magmartsa sa ilalim ng “unified flag” sa magaganap na Winter Olympics sa susunod na buwan.
Ang naturang “reunited flag” ay sumisimbolo sa pagnanais ng dalawang bansa na tuldukan na ang halos pitong dekadang pagkakawatak.
Napagdesisyunan din ng NoKor at Sokor na bumuo ng ice hockey team na ang mga miyembro ay magmumula sa kanilang parehong bansa.
Ang mga kasunduang ito ay naganap matapos ang kanilang pag-uusap na naganap sa Panmunjom.
Ito ang isa sa mga pinakaseryosong pag-uusap ng dalawang bansa sa loob ng dalawang taon.
Sakaling matupad ang mga plano, higit 100 delegado mula North Korea kasama ang 230 cheerleaders, 140 orchestral musicians at 3- taekwondo athletes ang tutungo sa South Korea para sa naturang kompetisyon.
Magaganap ang Winter Olympic Games mula February 9 hanggang February 25 sa Pyeongchang, South Korea.