Hinimok ni Senador Loren Legarda ang national at local na lider na magpatupad nang disaster risk reduction measures para sa inaasahan na pagputok ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Legarda, dapat na pakinggan ng mga residente ang panawagan ng mga opisyal na lumikas na sa kani-kanilang tahanan at mag-evacuate at lumayo sa danger zone.
Paliwanag ni Legarda, dapat na kumilos ang mga otoridad at ilikas ang mga nasa danger zones upang maiiwas sila sa panganib at makapagligtas ng buhay.
Isinailalim na ang probinsya ng Albay sa state of calamity matapos na i-akyat sa alert level 3 ang bulkan at sa posibilidad na pagputok nito.
Maliban dito, iginiit ni Legarda sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaloob ng suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya sa mga evacuation centers katulad ng malinis na tubig, pagkain, at gamot.