Nakahanda si Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go na magbitiw sa kanyang tungkulin kapag napatunayan na pinakialaman niya ang transaksyon ng Department of National Defense sa comoputer system para sa mga barko ng Philippine Navy.
Ayon kay Go, hindi patas na kaladkarin ang kanyang pangalan sa transaksayon sa DND gaya ng inaakusa ng online news agency na Rappler.
Ikinatwiran pa ni Go na kailanman ay hindi niya nakita ang kontrobersyal na dokumento na umano’y nanggaling sa kanya at lalong hindi niya ito iniabot kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Nanindigan pa si Go na hindi niya alam ang naturang transaksayon.
Sinabi pa ni Go na done deal na ang transaksyon noon pang 2016 sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari lamang magkaroon ng intervention ang isang government procurement kapag hindi pa nai-a-award ang kontrata sa isang kompanya.
Dahil dito, sinbi ni Roque na walang katotohanan at mali ang mga naglabasang balita na pinakalaaman ni Go ang kontrata.
Iginiit pa ni Roque na ang walang katuturan at tsismis lamang ang naturang balita.
Una rito ay hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rappler na maglabas ng ebidensya na pinakialaman ni Go ang transaksyon ng DND dahil kapag napatunayan na nakisawsaw ang kalihim ay kanya itong agad na sisibakin.