Sheriff Abas, itinalagang bagong COMELEC Chairman

Inquirer file photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Officer-in-Charge Sheriff Manimbayan Abas bilang bagong Chairman ng Commission on Elections.

Si Abas ay papalit kay dating COMELEC Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa pwesto noong October 23, 2017.

Matatandaang nagresign si Bautista sa pwesto kasunod ng problema sa pamilya.

Ang termino ni Abas ay magtatapos sa February 2, 2022.

Ang appointment ni Abas ay dadaan sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) para sa kumpirmasyon.

Read more...