Maria Ressa, Pia Ranada, pinakukuha ng akreditasyon sa Malakanyang bilang mga blogger

 

Inquirer file photo

Pinayuhan ng Palasyo ng Malacañang sina Maria Ressa at Pia Ranada ng Rappler na mag-apply na lamang ng accreditation bilang mga blogger.

Ito ay matapos kanselahin ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang license to operate ng news online site.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maari namang ipagpatuloy nina Ranada at Ressa ang kanilang trabaho bilang mga blogger.

Sa ngayon, ang tanggapan ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy ang nangangasiwa ng accreditation sa mga blogger na nais mag-cover ng mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paulit-ulit ring sinisi ni Roque ang Rappler sa pagkansela ng SEC sa kanilang license to operate dahil malinaw na hindi 100 percent na pag-aari ng mga Pilipino ang kanilang organisasyon, alinsunod sa probisyon na itinakda ng Saligang Batas.

Iginiit ni Roque na pinanindiganan ng Rappler ang kanilang posisyon sa kabila ng pagkakataon na ibinigay sa kanilang ng SEC sa pamamagitan ng isang show cause order para ituwid ang pagkakamali sa kanilang Articles of Incorporation.

 

Read more...