LTO Text service muling inilunsad

 

Inquirer file photo

Muling ilulunsad ng Land Transportation Office (LTO) ngayong araw ang LTO TEXT campaign.

Ang LTO TEXT ay isang serbisyo ng LTO gamit lamang ang pagtetext upang mag-kumpirma ng mga record ng sasakyan, o kaya naman ay record sa driver’s license.

Upang magamit ang serbisyo, i-text lamang ang LTO VEHICLE <Plate number> upang malaman ang detalye ng sasakyan at LTO LICENSE <Driver’s License Number> upang malaman ang detalye sa isang lisensya, at i-send ito sa 2600.

Sa loob lamang ng ilang segundo, matatanggap na ng user ang reply ng LTO para sa verification ng mga detalye kaugnay ng naka-rehistrong sasakyan o driver’s license record.

Read more...